Ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang isang video kung saan makikita ang pagsabog ng Mayon Volcano, na naitala banda alas-11:53 ng umaga ngayong Biyernes, Oktubre 30.

Sinabi ng Phivolcs na umabot sa tatlong kilometro ang taas ng ibinugang abo ng bulkan pahimpapawid mula sa bunganga nito.

Itinaas naman sa Alert Level 3 ang sitwasyon sa lugar.

Pinayuhan din ang mga residente na mag-ingat at gumamit ng facemasks para makaiwas sa banta sa kalusugan na dulot ng ashfall.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *