Magde-deploy ng aabot sa 2,000 personnel ang Philippine Red Cross (PRC) para magbigay ng tulong at matiyak ang kaligtasan ng mga bibisita sa mga puntod ngayong Undas.

Ayon sa PRC, nasa 1,848 personnel, kung saan 248 ang staff members at 1,600 ang volunteers, ang aalalay sa mga Pinoy sa kanilang pagbisita sa puntod ng kanilang yumaong mga mahal sa buhay.

“As millions of Filipinos travel home to remember their loved ones, the Philippine Red Cross reminds everyone to stay safe on the road and to keep your home safe while you’re away,” paalala pa ng PRC.

Hinimok din ng ahensya ang publiko na tiyaking ligtas ang kanilang mga tahanan bago bumiyahe, kabilang ang pagsasara at pagla-lock ng lahat ng pintuan at iba pang entrance, at paghahanda ng emergency contact numbers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *