Mas maraming Pilipino ang naniniwalang dapat mahatulan ng conviction si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial kaysa mapawalang-sala, batay sa resulta ng October 2026 National Momentum survey.

Sa non-commissioned survey na isinagawa noong Oktubre 16 hanggang 19, 38.8 porsiyento ng adult Filipinos sa bansa ang naniniwalang dapat ma-convict si Duterte, habang 33.8 porsiyento naman ang pabor na ma-acquit siya.

Samantala, nasa 22.6 porsiyento ang hindi pa makapagpasya at 4.7 porsiyento naman ang tumangging sumagot.

Sa hiwalay na tanong kung masyado pang maaga para magbigay ng hatol, 25.7 porsiyento lamang ang nagsabing hindi pa panahon upang magpasya. Mas mababa ito nang 22 percentage points kumpara sa 47.9 porsiyento na naitala sa survey noong Agosto 2026.

Ipinapakita ng resulta na mas marami na ang may malinaw na posisyon kung dapat ma-convict o ma-acquit ang Bise Presidente, habang nagpapatuloy ang impeachment proceedings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *