“The Judges of the Chamber, pursuant to Regulation 13(2) of the Regulations, have elected Judge Joanna Korner as the Presiding Judge,” saad sa dokumentong inilabas ng International Criminal Court (ICC).
Itinalaga si Judge Joanna Korner bilang presiding judge ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III na hahawak sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Korner ay dating hukom ng Crown Court of England and Wales at may higit 45 taong karanasan sa criminal law bago nahalal bilang hukom ng ICC noong 2021.
Sa dokumentong may petsang Abril 29, inihayag ng chamber ang desisyon nitong hirangin si Korner bilang presiding judge, ilang araw matapos buuin ng ICC Presidency ang three-member panel.
Matatandaang noong Abril 24, binuo ng ICC ang Trial Chamber III na didinig sa kaso laban sa 81-anyos na si Digong kaugnay ng mga umano’y crimes against humanity sa kaniyang kampanyang “war on drugs” noong siya ay alkalde pa ng Davao City at kalaunan bilang Pangulo ng bansa.
Ulat ni Bea Tanierla
