Tuloy na ang susunod na yugto ng kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos iakyat sa International Criminal Court (ICC) Presidency ang confirmation of charges laban sa dating Pangulo.

Batay sa isang four-page document na may petsang Abril 24, inaasahang magtatalaga ang International Criminal Court (ICC) Presidency, sa ilalim ni President Judge Tomoko Akane, ng isang Trial Chamber na siyang tututok sa paglilitis ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Abril 22 nang panindigan ng ICC ang unang pasya ng Pre-Trial Chamber I na may hurisdiksyon ang international tribunal sa kaso ni Digong.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome