Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na umuusad na ang case buildup ng kagawaran kaugnay ng sinasabing pagpapatakas kay Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa mula sa Senado noong Mayo 14.
Ayon sa National Prosecution Service (NPS) ng DOJ, kabilang sa kanilang iniimbestigahan ang posibleng pananagutan ng mga indibiduwal na tumulong o nagpadali sa pag-alis ng senador mula sa Senate premises sa Pasay City.
Samantala, noong Hunyo 3, naghain ng reklamo ang civil society group na Tindig Pilipinas sa Office of the Ombudsman laban kina Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Robin Padilla, at suspended Sergeant-at-Arms Mao Aplasca.
Inakusahan sila ng grupo na tumulong umano sa pagtakas ni Dela Rosa mula sa Senado ilang oras matapos ang insidente ng pamam*ril sa Mataas na Kapulungan noong Mayo 13.
