Tinutulan ng defense team ni dating pangulong Rodrigo ‘Digong'”‘ Duterte ang kahilingan ng prosekusyon na tanggapin ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III bilang ebidensya ang mga recorded testimonies ng dalawang saksi laban sa dating presidente.
Sa dokumentong may petsang Oktubre 26, hiniling ng depensa sa ICC Trial Chamber III na ibasura ang aplikasyon para tanggapin ang mga testimonya ng mga witness na sina “P-1393” at “P-1416.”
Ayon sa depensa, dapat silang humarap at magbigay ng testimonya sa korte upang mabigyan ang depensa ng pagkakataong magsagawa ng cross-examination.
Nakatakdang magsimula ang paglilitis sa kasong crimes against humanity ni Duterte sa Nobyembre 30, sa The Hague, Netherlands.
