Muling hiniling ng kampo ni Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa Supreme Court (SC) na mag-isyu ito ng temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang pagpapatupad ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa senador.
Sa 15-pahinang manifestation, hiniling din ng kampo ni Dela Rosa na resolbahin na ng SC ang kanilang nakabinbing motion for reconsideration kaugnay ng hiling na interim relief para sa senador, na inihain noong Mayo.
Binigyang-diin din ng kampo ang kamakailang pagtukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kay Dela Rosa bilang “armed and dangerous,” gayundin ang pag-anunsiyo ng ₱50 milyong pabuya para sa impormasyong makakatulong sa kanyang pagkakaaresto.
“Significantly, the bounty was announced by DILG Secretary Juanito Victor C. Remulla, who is himself a named Respondent in this case,” giit ng kampo ni Dela Rosa.
