Umabot sa 21 katao ang naiulat na nas@wi dahil sa mga pag-ulan at pagbahang dulot ng bagyong ‘Inday’ at Habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes, Hulyo 13.
Ayon sa NDRRMC, isang pagkamatay pa lamang ang kumpirmado habang isinasailalim pa sa beripikasyon ang 20 iba pang naiulat na nas4wi.
Nakapagtala rin ang ahensya ng anim na nasugatan at 16 nawawala dahil pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa na idinulot ng bagyo noong nakaraang linggo.
Samantala, halos 13,000 katao ang napilitang lumikas sa mga evacuation center, habang nasa 650 bahay ang naiulat na nasira. Nagdulot din ito ng kanselasyon ng klase at pansamantalang pagkawala ng kuryente sa ilang lugar.
