Nasa 15 lalawigan sa Luzon na ang kasalukuyang nakararanas ng tagtuyot o drought ngayong warm and dry season, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, kabilang ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La Union, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Quirino, at Tarlac sa mga probinsiyang nakakaranas ngayon ng matinding tagtuyot.

Idinedeklara ang tagtuyot kapag ang isang lugar ay nakakaranas ng mahigit sa 60 porsiyentong bawas sa ulan sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan.

Inaasahan ng PAGASA na magpapatuloy ang mainit at tuyong panahon sa bansa hanggang sa unang dalawang linggo ng Mayo.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome