Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na opisyal nang nagsimula ang northeast monsoon o amihan season sa bansa, ngayong Martes, Oktubre 27.
Nagdudulot ang Amihan ng malamig at tuyong hangin na maaaring magpababa ng temperatura sa ilang bahagi ng bansa.
Gayunman, inaasahan pa rin ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng weather systems na nakakaapekto sa Pilipinas.
