Matapos tawagin ang Philippine National Police (PNP) bilang “enforcement arm of politicians,” muling binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte na ramdam niyang hindi siya ligtas sa Pilipinas, tulad ng maraming Pilipino na nakakaranas din umano ng “failure of law enforcement.”

“When I say that I do not feel safe in this country, I speak not only for myself but also for the many Filipinos who have experienced, or fear experiencing, the failure of law enforcement to make this country a place where people can live with the assurance that their fundamental rights will be respected,” ani Duterte sa isang Facebook statement nitong Sabado, Nobyembre 21.

Setyembre 5 ngayong taon nang paulit-ulit na sabihin ni VP Sara, habang napaliligiran ng mga pulis, na “I do not feel safe”, sa pagtangging pumasok sa loob ng Quezon City Hall of Justice upang magpiyansa sa kasong grave thre@ts.

Ang kaso ay nag-ugat sa pagbubunyag ni VP Sara sa isang virtual presscon noong Nobyembre 23, 2024 na may kinontrata na umano siyang tao upang ipap@tay sina President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House speaker Martin Romualdez sakaling may pum@tay sa kanya.

Pero ang netizens, ipinaalala kay VP Sara na ang panahon umano na masasabing hindi ligtas ang mga Pilipino ay sa ilalim ng administrasyon ng kanyang ama, si dating pangulong Rodrigo Duterte, na nagpatupad ng malawakang kampanya kontra ilegal na dr0ga—at nagbunsod sa pagkam@tay ng libu-libong Pilipino.

Ang mismong w4r on drvgs ng dating pangulo ang dahilan kung bakit siya kinasuhan ng cr!mes against humanity sa International Criminal Court (ICC), nakulong sa The Hague, Netherlands simula noong Marso 12, 2025, at lilitisin simula sa Nobyembre 30.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *