Pinalawak ng Department of Education (DepEd) ang digital education program nito sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga bagong laptop computers at pagsasagawa ng hands-on technology training para sa mga guro sa pampublikong paaralan.
“Please maximize these tools because there is so much that they can do for you and for your learners. Let us take time to listen because they will explain to you the potential, and they will make you more productive, save you time, and enable you to be a better teacher,” ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara.
Pinangunahan ni Angara ang paglulunsad ng GuroXL, isang professional development program na nagtuturo sa mga guro kung paano magagamit ang teknolohiya sa pagtuturo.
Umabot sa 1,441 guro mula sa 62 pampublikong paaralan sa Antipolo City ang nakatanggap ng MacBook Neo laptop computers.
Binigyang-diin ni Angara na hindi sapat ang pagbibigay lamang ng mga makabagong kagamitan dahil mahalaga ring matiyak na may sapat na kaalaman at kasanayan ang mga guro upang magamit ang mga ito sa pagpapahusay ng kanilang pagtuturo at pagtulong sa mga estudyante.
