Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ngayong Lunes, Nobyembre 23, ang petisyon ni Senator Rodante Marcoleta at tatlo pang akusado para makapagpiyansa sa kasong plunder.
“In this case, the evidence of guilt against Sen. Marcoleta, [Mike] Defensor, [Joseph] Espiritu, and [Aristotle] Viray is strong,” saad ng korte.
Sinabi rin ng korte na hindi na kailangang pagtalunan ang pagtanggap ni Marcoleta ng P75 milyong donasyon mula sa kanyang mga kapwa akusado noong siya ay kinatawan pa ng SAGIP Party-list sa Kamara.
Sa kanyang pahayag noong Nobyembre 2025, sinabi ni Marcoleta na hindi niya isinama sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ang mga donasyon dahil hiniling umano ng mga donor na manatiling anonymous ang kanilang pagkakakilanlan.
Kabilang dito ang P30 milyon mula kay Defensor, P25 milyon kay Espiritu, at P20 milyon kay Viray na umano’y ibinigay sa magkakahiwalay na pagkakataon.
Mananatili naman sa Quezon City Jail Male Dormitory sina Marcoleta at ang tatlo pa niyang kapwa akusado.
