Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na tuloy-tuloy ang paghahanap ng pulisya sa mga high-profile fugitives ng bansa.

“Operations continue. Makakaasa kayo na good results will come soon,” sinabi ni Remulla sa panayam sa kanya ng media sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ngayong Lunes, Nobyembre 23.

Nang matanong kung posibleng may mahuli na ang Philippine National Police (PNP) bago matapos ang taon, sinabi ni Remulla na “Sana.”

Kabilang sa mga pinaghahanap ng awtoridad si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na dawit sa crimes against humanity case sa International Criminal Court (ICC); ang negosyanteng si Atong Ang, na sinasabing utak sa “missing sabungeros” case; at si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag, na itinuturong mastermind sa pamamaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.

Hindi naman na nagbigay pa ng detalye ang kalihim kaugnay ng manhunt operations na isinasagawa ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *