Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto ngayong Biyernes, Marso 13, na nagpadala ng sulat sa kanya si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa para hilingin na magamit ng pamilya nito ang Senate Mansion sa Baguio City sa Marso 26-29.
Simula Nobyembre 11, 2025 ay hindi na pumapasok sa Senado si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ilang araw makaraang ianunsiyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla noong Nobyembre 8 na naglabas na ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa senador.
Nitong Pebrero 13, isinapubliko ng ICC Prosecution ang charge sheet sa crimes against humanity case ni dating pangulong Rodrigo Duterte kung saan pinangalanan si Dela Rosa bilang isa sa “co-perpetrator” sa pagpapatupad ng drvg war sa bansa sa ilalim ng Duterte administration.
Ilang beses ding nabanggit ang pangalan, at ipinakita ang litrato, ni Dela Rosa sa confirmation of charges hearing ng ICC laban kay Duterte noong nakaraang buwan.
