Kumalas na ang nag-iisang Central Asian nation na Tajikistan mula sa International Criminal Court (ICC).

Hindi naman idinetalye ng Tajikistan governement ang dahilan sa likod ng kanilang desisyon.

Matatandaan namang naglabas ng ruling ang ICC noong Marso 2026 kaugnay ng paglabag ng Tajikistan sa Rome Statute matapos na hindi arestuhin si Russian President Vladimir Putin sa pagbisita nito sa kabisera ng Dushanbe noong Oktubre 2025.

May arrest warrant ang ICC laban kay Putin kaugnay ng mga kasong w@r cr!mes laban sa Ukraine.

Samantala, magiging epektibo ang pagkalas ng Tajikistan mula sa ICC sa Nobyembre 20, 2027.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *