Nakatakdang magsimula ang mga klase sa darating na Hunyo 8, 2026 at magtatapos sa Abril 8, 2027, batay sa inilabas na official school calendar ng Department of Education (DepEd) para sa School Year 2026–2027.
Sa isang kautusan, binalangkas ng Department of Education (DepEd) ang mga alituntunin para sa pagpapatupad ng three-term school calendar sa basic education, kung saan bawat isa ay bubuuin ng opening, instructional, at end-of-term block.
Nilinaw ng DepEd na ang mga pribadong paaralan at unibersidad ay malayang gumamit ng nasabing three-term calendar sa kondisyong masusunod nila ang kinakailangang bilang ng mga araw ng pasok na itinakda ng batas.
Bahagi rin ito ng pagsisikap ng ahensya na isaayos ang sistema ng pag-aaral sa bansa.
