Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa pay guidelines para sa Eid’l Fitr holiday sa Biyernes, Marso 20.

Ayon sa Labor Advisory No. 4 ng DOLE, kailangang bayaran ng mga employer ang kanilang empleyado na hindi magtatrabaho sa Eid’l Fitr ng 100 porsyento ng sahod nila, “provided that the employee reports to work or is on leave of absence with pay on the day immediately preceding the regular holiday.”

Kapag pumasok ang mga empleyado sa Marso 20, kailangan silang bayaran ng 200 porsyento ng kabuuan ng kanilang sahod o double pay.

Sakaling lampas sa walong oras ang kanilang pagtatrabaho, babayaran sila ng dagdag 30 porsyento sa kanilang hourly rate na batay sa kanilang double pay (200%).

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *