Magsisimula nang maglabas ng fuel subsidy ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Northern Mindanao at sa iba pang panig ng Pilipinas, ayon sa ahensya.
Inihayag ng LTFRB na direktang ipapasok sa mga account ng mga public utility vehicle (PUV) drivers at operators ang nakalaang financial assistance.
Mayroon na ring nakahandang listahan ng mga benepisyaryo ang ahensya at nakatakdang simulan ang pamamahagi sa darating na Lunes, Marso 23.
Sa ilalim ng nasabing programa, inaasahang makatatanggap ng ₱5,000 ang mga drayber ng tradisyunal na jeepney, habang hanggang ₱10,000 naman ang para sa mga modern jeepneys.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
