Sumailalim sa postmortem examination ang mga bangkay nina Capt. Edzel John Lumbao Tabuzo, piloto ng bumagsak na Cessna 152 aircraft sa Cagayan at student pilot nitong si Anshum Rajkumar Konde, isang Indian national.
Lulan ng Blackhawk helicopter ng Philippine Airforce, ibiniyahe ni Cagayan Provincial Administrator Atty. Edmar Pascua ang mga labi ni Tabuzo, kasama ang kaniyang pamilya.
Samantala, pinag-aaralan pa ng mga awtoridad kung saan ihahabilin ang bangkay ni Konde: Kung sa Indian Embassy o ang embahada mismo na ang magdadala nito sa India.
Nagpadala na rin ng imbestigador ang Civil Aviation Authority of the Philippines para alamin ang sanhi ng trahedya.
Agosto 1 nang mapaulat na nawawala ang Cessna plane na may body number RP-C8598 na galing ng Laoag Airport pasado alas-12 ng tanghali at patungo sana ito sa airport ng Probinsiya ng Cagayan.
–Ellen Mirasol