(Photo courtesy of PTV Cordillera)
“Guilty” ang naging hatol ng Baguio Municipal Trial Court (MTC) sa kasong “slight physical injuries” na inihain laban sa ang dalawang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) kaugnay sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio noong Setyembre 2019.
Sinabi ng korte na nagkasala sina Cadet Julius Carlo Tadena at Christian Zacarias at hinatulang sila ng 30 araw na pagkakakulong.
Sa panayam ng GMA News online, sinabi ni Atty. Adrian Bonifacio, abogado ng pamilya Dormitorio, na ang dalawang akusado ay “hindi agad makakalaya.”
Dagdag ni Bonifacio na mayroon pa ring kasong hazing at murder na kinakaharap si Tadena sa Regional Trial Court (RTC). Mahalaga rin, ayon pa sa abogado, ay matapos ang kaso nina Imperial, Lumbag, at Tadena sa naturang korte.
Inatasan din ng korte sina Tadena at Zacarias na bayaran ang pamilya Dormitorio ng tig-P100,000 para sa moral damages at tig-P50,000 sa attorney’s fees.