Inaasahang bababa ang pamasahe sa eroplano matapos ibaba ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge sa Level 8 simula sa Huwebes, Hulyo 16 hanggang Hulyo 30.

Para sa mga domestic passenger, maaaring umabot sa P253 hanggang P787 ang fuel surcharge, habang nasa P835.05 hanggang P6,208.98 naman ang maaaring singil para sa international passenger.

Matatandaang umabot sa pinakamataas na Level 19 ang fuel surcharge mula Abril 16 hanggang 30 dahil sa pagtaas ng presyo ng jet fuel dulot ng tensyon sa Middle East.

Samantala, pinag-aaralan ng mga awtoridad ang iba pang hakbang upang mapababa ang gastos sa biyahe sa himpapawid, kabilang ang pagpapahaba ng runway ng mga regional airport upang makagamit ng mas malalaking eroplano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *