(Photo courtesy of Department of Justice)
Matapos anga ilang araw niyang ideneklara na natagpuan na ang bangkay ng nawawalang bilanggo sa isang septic tank sa New Bilibid Prison (NBP), biglang kumambiyo si Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla III na mali ang impormasyon ang kanyang natanggap hinggil dito.
Sa ginanap na pagdinig ng House Public Order and Safety Committee noong Huwebes, Agosto 3, inamin ni Remulla na hindi ang bangkay ni Michael Cataroja, ang nawawalang preso, ang natagpuan sa isang septic tank sa loob ng Bilibid kundi ilang damit at ilang piraso ng buto na hindi pa nadedetermina kung sa tao ito o sa hayop.
“Nabiktima ako ng ‘fake news’ na nahanap na raw ang bangkay na pugot ang ulo. Yan ang unang impormasyong kong natanggap,” paliwanag ng kalihim sa mga mambabatas.
Matatandaan na maging si Bureau of Corrections (BuCor) Gregorio Catapang ay una ring napaniwala sa kumalat na impormasyon na natagpuan na ang bangkay ni Cataroja sa poso negro.
Una nang iniulat ng BuCor authorities nawawala si Cataroja noong Hulyo 15.
“Ang status po niya ay missing. Hangga’t di natin nabubuksan ang lahat ng septic tank at nagagalugad ang buong NBP, our declaration is he is missing,” paliwanag ni Catapang.
Napagalaman na target suyurin ng BuCor officials ang buong NBP facility, kabilang ang walong septic tank doon, sa paghahanap sa nawawalang preso. At sakaling hindi pa rin nila mahanap si Cataroja matapos nito, doon pa lamang nila idedeklara na pugante ang naturang preso.
Ginawa ang pagdinig sa insidente base sa resolusyon na inihain ng bagitong mambabatas na si Erwin Tulfo.
[…] this related article: Remulla on septic tank discovery: ‘Na-fake news ako’ – Pilipinas Today)Samantala, inilahad naman ni Cataroja sa Angono-PNP kung paano siya nakalabas sa […]