Hawak na ng Rizal Police si Michael Cataroja ang maximum security inmate sa New Bilibid Prisons (NBP) na naiulta na nawawala noong pang Hulyo 15, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Natunton ng mga awtoridad si Cataroja sa pinagtataguan nito sa Brgy. San Isidro, Angono, Rizal, nitong August 17, Huwebes
Dadalhin si Cataroja sa Philippine National Police (PNP) Regional Office 4 sa Laguna bago ibalik sa NBP compound sa Muntinlupa.
“Casual lang daw siyang [Michael Cataroja] lumabas sa maximum security. Sumabay lang sa dalaw. Kasi daw po araw ng dalaw, eh nakisabay lang po siya,” ayon kay Angono municipal police station chief Major Lauro Moratillo sa panayam ng Radyo 630.
Nais namang malaman ni BuCor Director General Gregorio Catapang kung sino ang mga taong responsible sa pagtakas ni Cataroja sa Bilibid bilang bahagi ng isinasagawang “full-blown investigation”.
Matatandaan na humingi ng tulong ang BuCor sa National Bureau of Investigation (NBI) at K9 Force Philippine Coast Guard para sa search and rescue operation kay Cataroja.
Naunang naibalita na natagpuan ang mga labi ni Cataroja sa septic tank sa loob maximum security compound ng National Bilibid Prisons, matapos maiahon ang mga buto mula sa pozo negro at suriin ng mga forensic expert, lumabas na buto ng manok ang kanilang nakuha.
Ang insidente ay nagdulot ng malaking kahihiyan hindi lamang sa BuCor officials ngunit maging kay Justice Secretary Crispin Remulla na personal na unang nag-anunsiyo na mga labi ni Cataroja ang nakuha sa septic tank.
(Read this related article: Remulla on septic tank discovery: ‘Na-fake news ako’ – Pilipinas Today)
Samantala, inilahad naman ni Cataroja sa Angono-PNP kung paano siya nakalabas sa Bilibid.
“Pasimpleng naglakad palabas ng maximum security compound ng New Bilibid Prison kasabay ang ilang dalaw,” ani Chief Major Lauro Moratillo sa panayam ng Radyo 630.
“Casual lang daw siyang [Michael Cataroja] lumabas sa maximum security. Sumabay lang sa dalaw. Kasi daw po araw ng dalaw, eh nakisabay lang po siya,” sabi ni Moratillo.
Nakahanap rin umano ng kasing tangkad na bisita si Cataroja at gumamit sya ng ballpen para gayahin ang stamped mark na inilalagay sa mga bisita, ayon pa sa hepe ng Angono Police. (Updated 2:00 PM)