Inihayag ni House Deputy Speaker at Antipolo City 1st District Rep. Ronaldo “Ronnie” V. Puno sa press conference ng Kamara ngayong Martes, Agosto 12, na maraming proseso para humingi ng accountability o pananagutan sa mga opisyal.

“I think that accountability is best served by people who demand it… kahit andiyan ‘yung proseso na will allow you or enable you to demand and expect accountability, kung hindi mo naman itulak ‘yung proseso, wala rin mangyayari,” saad ni Puno.

Ngunit, aniya, hindi umano magiging accountable ang isang tao kahit na may ginawa itong mali kung walang maghahain ng kaso laban sa kanila at kung hindi sila pananagutin ng mga mamamayan.

“Nasa mamamayan din natin ‘yan na dapat gising sila makikita nila ‘yung mga nangyayari sa kanilang mga paligid at lalong-lalo na sa kanilang pamahalaan kasi accountability has many levers that you can pull and sa tingin ko kung gising ang tao, accountability is really going to be really safeguarded,” dagdag ni Puno.

Ulat ni Ansherina Baes