Sakaling bumuti ang lagay ng panahon ngayong araw, tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ipagpapatuloy ang search and rescue operation sa Cessna plane na nawawala mula pa kahapon.
Ayon sa ulat, may sakay na dalawang katao ang 2-seater aircraft at patungo sana ito sana ng Tuguegarao, Cagayan matapos mag-take off sa Laoag, Ilocos Norte.
Dakong alas-2:37 ng hapon ng Agosto 1, nang makatanggap ang CAAP Operation ng INSERFA message mula sa Tuguegarao Flight Service Station hinggil sa nawawalang eroplanong na may tail number RPC88598. Ang naturang light aircraft bumiyahe base sa iterinary nitong Laog-Cauayan-Tuguegarao.
Pinalawak na rin ang search and rescue mission sa mga ‘aerodrome rooms’ sa lugar ng Cauayan, Vigat, at Tuguegarao pero hanggang isinusulat ang balitang ito ay wala paring impormasyong natatanggap ang CAAP hinggil sa kinaroroonan ng eroplano.
Tinangka rin ng isang helicopter ng Philippine Coast Guard (PCG) na magsagawa ng search and rescue kahapon ngunit bumalik din ito dahil sa sama ng panahon,
[…] sa inisyal na ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Office of the Civil Defense, ang Cessna […]