Ideneklara na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ngayong Huwebes, Agosto 29, na tatakbo siya bilang Senador sa mid-term elections sa susunod na taon.

Inihayag ni Abalos Jr., na miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr, sa PFP senatorial slate.

Binanggit ni Abalos na magbibitiw siya sa kanyang posisyon bilang DILG chief isang buwan bago magsimula ang panahon ng paghahain ng certificate of candidacy sa Oktubre.

“Ganun ang mangyayari. Kung ano sabihin ng partido yun ang tatahakin natin. So I have to resign. Ma-action, gusto ko ang position na ito, halos buwan-buwan na hinaharap na malalaking gawain (problema). Very powerful ang position (DILG Secretary) kung sino papalit pag-ingatan niya napaka-sensitive ng position na ito,” saad ni Abalos.

“Ang message ko lang sa mga taga-Davao, sana maunawaan niyo ang desisyon ng korte, ultimong judge di nagsabi na ihinto ang arrest warrant,” dagdag ni Abalos.