Napansin ng Rappler at ng ibang media teams pasado hatinggabi nitong Martes, Mayo 13, na nagdoble ang mga transmission mula sa ilang libong presinto sa buong bansa sa consolidation sa central server ng Commission on Elections (Comelec) na katumbas ng halos limang milyong boto.

Ayon sa ulat ng Rappler nitong Martes, Mayo 13, napansin nito at ng ibang media teams na tila may discrepancy sa mga botong naitala sa isinagawang consolidation ng central server ng Comelec.

Iniulat nito na na-duplicate ang mga transmission mula sa ilang libong presinto sa buong bansa kung saan mas marami pa ang bilang ng boto kaysa kabuuang bilang ng mga registered voters sa isang presinto.

Agad naman ito umanong binanggit ng mga tech teams ng mga media outlets na nasa central server at sinabi ng Comelec IT na naglabas na ito ng bagong files na tumutugon sa duplicates bandang alas-2 ng madaling araw nitong Martes.

Patuloy naman ang imbestigasyon tungkol sa isyu at batay sa review ng Rappler sa files ng Comelec alas-11:44 ng gabi, ang mga sumusunod ang naapektuhan:

15,001 precincts
Votes of 39,280 candidates
Over 1,400 single winner positions affected
Ranking for around 7,600 candidates

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *