Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Senator Loren Legarda ang kasiyahang nadama sa pagpapasaya sa mga bata habang namamasyal siya sa dalampasigan sa kanyang bayan sa Antique.
“Malapit na ang pasukan, kailangan ng karagdagang bag, pencil, notebook, crayons, eraser, mga libro, marami pang iba. Kaya, bumili ako agad at sinorpresa ko ang mga bata sa kanilang mga bahay ng sunod na umaga. Maligaya akong napasaya ko ang mga bata!,” sinabi ni Legarda sa kaniyang Instagram post.
Nakilala niya ang ilang batang residente at tinanong sila kung ano ang gusto nila. Ilang sandali pa, sinorpresa niya ang mga ito ng mga bagong bag, libro, at iba pang gamit sa paaralan.
Bukod dito, ipinangako rin niya na patuloy niyang susuportahan ang mga mag-aaral sa abot ng kanyang makakaya.
“Patuloy kong gagawin yan, hindi lamang sa aking barangay, kundi na rin sa lahat ng kaya kong maabot, sa aking personal na kakayanan, maliban sa pagusad ng suporta para sa basic education ng ating pampublikong magaaral. Mahal na mahal ko ang mga kabataang Pilipino,” dagdag ni Legarda.
Sa Hulyo 29 na ang balik-eskuwela sa mga public schools sa bansa.
Ulat ni Julian Bartolome