Tinatarget ng Kamara na maamiyendahan ang Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 o EPIRA bago ang Christmas break ng Kongreso ngayong taon, ayon kay Speaker Martin Romualdez.
“We will work to further reduce electricity rates and rice prices. Accomplishing that will surely lead to a further moderation of inflation. Titingnan natin ang posibleng amendments sa EPIRA para maibaba natin ‘yung presyo ng kuryente, para abot kaya ng lahat ‘yung sa tamang presyo,” sabi ni Romualdez.
“So medyo kumplikado ‘yan kasi malaki itong batas at we will handle it by sections pero kayang kaya natin tapusin ‘yan before siguro the Christmas break,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Ito ang binigyang-diin ng mga miyembro ng ‘Young Guns’ sa Kamara habang pinupuri nila ang hakbang ni Speaker Martin Romualdez na repasuhin ang Electric Power Industry Regulation Act (EPIRA) upang mapababa ang presyo ng kuryente at matiyak ang seguridad sa enerhiya ng bansa.
“We fully support this move by our leader in the House. If we can finally reduce the cost of electricity, this would be one of the legacies of our Speaker (Romualdez) and the chamber he heads,” pahayag ng isang grupo ng mga mambabatas.
“In the meantime, power rates in the country continually went up to the extent that they are now among the highest in the ASEAN region,” saad pa ng mambabatas.
Ito ang pinagsamang pahayag na ginawa nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ng Pampanga, Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ng Quezon, at House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City, kasama ang Young Guns sa pangunguna ni Reps. Inno Dy V ng Isabela, Rodge Gutierrez ng 1-Rider Party-list, Jil Bongalon ng Ako Bicol Partylist, Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, Paolo Ortega ng La Union, Jay Khonghun ng Zambales, Mika Suansing ng Nueva Ecija, Joel Chua ng Manila, Migs Nograles ng PBA Partylist, at Cheeno Miguel Almario ng Davao Oriental.
“Let’s examine how Meralco can support the Marcos administration in reducing its power distribution rates. It’s time we alleviate or at least lessen the suffering of our people. Congress should address the issues created by the EPIRA law,” sabi pa ng mga mambabatas.
“That achievement then would be one of the legacies of our Speaker and his present colleagues in the House. The expansion of our economy has long been hobbled by high electricity rates. This problem has consistently been one of the top concerns of the business community since the enactment of EPIRA,” dagdag pa ng mga mambabatas.