Lima ang kumpirmadong patay habang 38 iba pa ang nasugatan matapos ang sunod-sunod na pagsabog sa loob ng imbakan ng paputok sa Barangay Tetuan, Zamboanga City, nitong Sabado, Hunyo 29, ng hapon.
Batay sa ulat ng Zamboanga City Police Office, isa sa mga nasawi ay menor de edad habang isinugod naman sa iba’t ibang pagamutan ang mga nasugatan.
Nagsimula ang pagsabog dakong 4:00 ng hapon sa bodega na nagsisilbi ring tahanan ng ilang pamilya ng mga manggagawa.
Umabot ito sa ikalawang alarma at idineklarang kontrolado dakong 5:26 ng hapon. Sa hiwalay na ulat ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction ang Management Office.
Sinabi rin ng CDRRMO na 30 sa mga naiulat na nasugatan ay nagtamo ng minor injury habang walo sa kanila ang may malalang sugat sa katawan.
Nasunog ang kabuuan ng bodega at nadamay din ang 15 istruktura na nasa paligid nito. Sa inisyal na ulat ng Zamboanga City Fire Department, umabot sa P62.5 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.
Pansamantala ding isinara ang mga kalsada patungo sa lugar.
Ulat ni Baronesa Reyes