Sa paggunita ng Buwan ng Wikang Filipino ngayong Agosto, nanawagan si Pangulong Ferndinand Marcos Jr. sa sambayanan na bigyan nang importansiya ang wikang Filipino.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na dapat isipin ng mga Pinoy na ang sariling wika at kultura ay nagsisilbing mga susi sa pagkakaisa ng mga mamamayan.

“Higit isang taon na ang lumipas mula nang maramdaman natin ang tamis ng tagumpay at alab ng ating pagkakaisa sa gitna ng mga pagsubok na ating kinahaharap,” pahayag ni Marcos.

“Sa katunayan, naniniwala ako na, sa ating pagsulong, dapat nating alalahanin ang halaga ng ating wika, pamana, at kultura na nagbubuklod sa atin bilang isang bansa,” dagdag niya.

Bilang bahagi ng tradisyon, ilang aktibidad ang inilalatag ng Department of Education (DepEd) at Komisyon ng Wikang Filipino kaugnay sa taunang selebrasyon ng Buwan ng Wika.