Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na magsagawa ng digital media fasting bilang act of penance ngayong Kuwaresma.

Sa pagsisimula ng Kuwaresma, nanawagan ang CBCP ng pagsasagawa ng digital media fasting na, anila, hindi lamang dapat sa pagkain ang pag-aanuyo kundi sa paggamit ng teknolohiya rin.

Narito ang mga paraan na inilahad ng CBCP para i-practice ang digital media fasting:

  • Umiwas sa paggamit ng telepono bago matulog at pagkagising;
  • Limitahan ang oras sa social media at streaming;
  • Obserbahan ang hindi paggamit ng mga device tuwing kakain o sa mga gathering;
  • Magsanay sa occasional na 24 oras o weekend digital fast;
  • Alisin ang mga ‘distracting’ na applications;
  • Palitan ang screen time ng pagdarasal, pagserbisyo, pagbasa, o pakikipag-usap sa ibang tao

“By limiting digital consumption, we create time for prayer, reading Scriptures, Eucharistic devotion, works of mercy, and meaningful encounters with others,” saad pa ng CBCP sa kanilang ulat nitong Lunes, Pebrero 16.

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *