Ipinagutos ni PCG Commandant Vice Admiral Ronnie Gil Gavan ang pinaigting na seaborne patrol operations sa Eastern Visayas at Northeastern Mindanao kung saan ibinagsak sa karagatan ang P122.7 milyong halaga ng cocaine nitong mga nakaraang linggo.

Ito ay matapos ang sunud-sunod na pagkakabawi ng isang kilo ng pinaghihinalaang cocaine na nagkakahalaga ng P5.3 milyon sa Barangay Bungtod, Tandag City, Surigao del Sur; 25 kilos na nagkakahalaga ng P106 milyon sa Barangay Tangbo, Arteche, Eastern Samar; at 1.08 kilos na nagkakahalaga ng P5.7 milyon sa Barangay Bitaug, Burgos, Surigao del Norte.

Karamihan sa mga cocaine bricks ay nadiskubre ng mga mangingisda sa babaying lugar o kaya’y inabandona habang palutang-lutang sa karagatan, ayon sa PCG report.

Inatasan ni Gavao ang mga Coast Guard Districts sa rehiyon na manmanan ang mga barko o bangkang dumaraan sa mga hot spots, paigtinging ang intelligence operations at palawaking ang coastal security patrol operations sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), at local government units para palakasin ang kanilang anti-illegal drugs operations.

Inatasan din ang mga Coast Guard personnel na makipagugnayan sa mga mangingisda na maaaring makatulong sa pagtukoy sa mga personalidad na nasa likod ng cocaine smuggling operations sa bansa.