Naglabas ng datos ang Philippine Statistics Authority (PSA), kung saan lumitaw na ang Baguio ang ‘wealthiest city’ sa labas ng Metro Manila noong 2022, na may per capita na aabot sa P420,016 higit sa dalawang beses sa national average na P178,751.
Makikita sa Provincial Product Accounts ng PSA, na ang Baguio City ang may pinakamataas na per capita gross domestic product (GDP) sa mga probinsya at highly urbanized cities sa Pilipinas noong 2022.
Kasunod sa Baguio City ay ang Cagayan de Oro City na may per capita GDP na P343,936. Sinundan ito ng Lapu-Lapu City (P313,039), Iloilo City (P306,444), at ang probinsya ng Bataan (P297,930).
Binubuo ang nangungunang 10 pinakamayayamang lugar sa labas ng Metro Manila ay ang Cebu City, ang lalawigan ng Laguna, Mandaue City, Davao City, at ang lalawigan ng Batanes. Lahat ay may per capita GDP na mas mataas sa pambansang average.
Noong Oktubre, ipinakita ng 2022 na ulat mula sa Commission on Audit (COA) na ang Quezon City ay ang Philippines wealthiest in terms of assets.