Patuloy na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizen ang isang viral video na tila ipinost ni Ren The Adventure na nagpapakita ng isang resort na nasa gitna ng iconic na Chocolate Hills sa Bohol.
Marami ang nananawagan para sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kumilos laban sa pananatili ng resort upang maprotektahan ang Chocolate Hills bilang isang world-class tourist destination.
Sa ngayon, wala pang update sa pagkakakilanlan ng may-ari ng resort, at wala ring sagot sa mga katanungan tungkol sa pag-apruba ng lokal na pamahalaan at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Kamakailan ang pagtatayo ng isang resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol ay umani ng pagbatikos sa mga netizen, na nagtatanong kung ang local government unit (LGU) ay nagbigay ng mga legal permit para sa establisimiyento na diumano’y nakasisira sa alindog ng lugar.
“Paano pinayagan magpatayo ng isang resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol? Hindi ba ma-didisturb ang ecosystem ng paligid? Pwedeng magkaroon ng mga soil erosion and baka masira ang mga hill formations within the vicinity of the resort?” mababasa sa post ng isang netizen.
Screengrab from Ren The Adventure/Facebook