Naglabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Marso 7, ng La Niña Watch alert dahil ang weather phenomenon na ito ay maaaring magsimula sa Hunyo ng kasalukuyang taon.
Sa isang press conference, sinabi ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section chief Ana Solis na natugunan ang pamantayan para sa La Niña Watch sa ilalim ng El Niño-Southern Oscillation (ENSO) Alert and Warning System ng ahensiya.
“Ngayon po ay na-satisfy yung established criteria ng PAGASA ENSO Alert System na kung saan La Niña Watch is being issued today because there is still a probability of more than 55% in the next six months,” sabi ni Solis.
“Naglabas din kami ng La Niña Watch dahil nakikita natin na mataas ang posibilidad more than 50 percent na mag-develop ang La Niña sa buwan ng Hunyo. Subalit ang epekto ng La Niña ay inaasahan pa sa later part of this year,” ani naman ni PAGASA administrator Nathaniel Servando.