Naguwi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng $1.53 bilyon, o katumbas ng P86 bilyong investment, mula sa 12 business deal na nilagdaan sa Philippine Business Forum sa sideline ng kanyang pagdalo sa ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne ngayong Lunes, Marso 4.
Sinabi ni Department of Trade and Investment (DTI) Secretary Alfredo Pascual na ang mga business deal ay nakahanda upang palakasin ang trade relations sa pagitan ng Pilipinas at Australia, at mag-ambag sa paglago ng ekonomiya ng dalawang bansa.
“These agreements signify our unwavering commitment to excellence and fruitful partnerships spanning diverse sectors such as renewable energy, waste-to-energy technology, organic recycling technology, countryside housing initiatives, the establishment of data center, manufacturing of health technology solutions, and digital health services,” sabi ni Pascual.
Idinagdag ni Pascual na ang mga naturang grupo ay nagpapahiwatig ng future Philippines-Australia business engagements, na nagsisilbing tangible outcome ng investment promotion.