“Si Pastor Quiboloy nga po ay arrested for r@pe at si Sen. Bato po ay may outstanding warrant for Oplan Tokhang… hindi sila puwedeng ma-disqualify… Pero ako po na nagbiro at walang ni-r@pe at pinatay, i-di-disqualify po ng Comelec kahit wala pang naisampang kaso laban sa akin,” saad ni Pasig City congressional bet Atty. Ian Sia.

Caption:

Kasunod ng pagdiskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) Second Division kay Pasig City congressional bet Atty. Ian Sia, bumuwelta ang kandidato at sinabing hindi niya umano matanggap ang naging desisyon ng komisyon.

“Mali po ang desisyon and Comelec knows it, kaya may colatilla ang desisyon nila na if I win, they will suspend the proclamation until the disqualification case is finally resolved,” aniya.

Ikinumpara rin ni Sia ang kanyang sitwasyon kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder at senatorial candidate Apollo Quiboloy na nahaharap sa kasong qualified human trafficking, at kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na may “outstanding warrant for Oplan Tokhang.”

Idiniskuwalipika si Sia ng Comelec dahil sa kanyang “siping joke” sa mga single mother at sa kanyang pamumuna sa timbang ng isang female staff habang siya ay nangangampanya.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *