Naihalal nitong Huwebes, Mayo 8, bilang bagong Santo Papa at sovereign head ng Vatican City si Pope Leo XIV, ang Amerikanong si Robert Francis Prevost, na ginawang cardinal ni Pope Francis ilang buwan pa lang ang nakalilipas mula nang maging arsobispo noong Enero 2023.

Si Cardinal Robert Francis Prevost, na ngayon ay kinikilala na bilang si Pope Leo XIV, ang naihalal na bagong Santo Papa para humalili kay Pope Francis na pumanaw nitong Abril 21.

Naihalal si Pope Leo XIV, ang ika-267 Bishop of Rome at ang kauna-unahang Santo Papa mula sa Estados Unidos, matapos lumabas ang puting usok mula sa chimney ng Sistine Chapel sa pangalawang araw ng Papal conclave nitong Huwebes, Mayo 8 (oras sa Vatican), na nangangahulugang may napili na ang mga cardinal para humalili kay Pope Francis.

Inaasahan na ipagpapatuloy ni Pope Leo XIV ang iniwan ni Pope Francis na mga reporma ng Simbahang Katoliko pati ang pagtugon sa mga mahihirap at mga marginalized groups.

Batay sa ulat ng CNN World, itinuturing si Pope Leo XIV bilang “least American” mula sa mga cardinal na kapwa niya Amerikano.

Kilala rin si Pope Leo XIV dahil sa kanyang papel na ginagampanan bilang prefect ng Dicastery for Bishops sa Latin America kung saan siya ang nakatalagang mamili at mangasiwa sa mga obispo.

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *