Inihain na ng ICC prosecutor ang second batch ng ebidensya laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kinabibilangan ng 139 items sa kinakaharap niyang crimes against humanity.

Ayon sa dokumento ni International Criminal Court (ICC) prosecutor Karim Khan na may petsang Mayo 5, na ipinasa sa ICC Pre-Trial Chamber 1, naipasa na ang pangalawang set ng ebidensya sa defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 30.

Inihayag ng ICC prosecutor na naka-organize ang 139 items ng second batch ng ebidensya sa apat na disclosure packages tulad ng contextual elements, modes of liability, m*rder sa termino ng dating Pangulo bilang alkade ng Davao City, at m*rder sa ilalim ng barangay clearance operations sa kanyang termino bilang Pangulo.

Sinabi ni Atty. Gilbert Andres, ICC-accredited lawyer at isa sa mga counsel ng extrajudicial killing (EJK) victims, ang bagong batch ng ebidensya ay nagpapakita na mayroong elements ng crimes against humanity sa crackdown ni dating Pangulong Duterte sa ilegal na dr*ga.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng ICC ang EJK sa crackdown ni Digong sa ilegal na dr*ga habang siya ay Pangulo ng Pilipinas, maging ang mga diumano’y summary k!llings sa Davao City noong siya ay naninilbihan bilang alkalde ng siyudad.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *