Bilang ‘caretaker’ ng 3rd Congressional District ng Palawan, pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang paghahatid ng P12 milyong halaga ng ayuda sa mga biktima ng malaking sunog na naganap sa Puerto Princesa City noong kamakailan.
“It is a duty I embrace with the utmost seriousness-to ensure that you the heart and soul of our community-are supported and uplifted during these trying times,” sabi ni House Speaker Martin Romualdez.
Ang ceremonial distribution ay naganap sa Provincial Capitol Convention Center kung saan mahigit 2,000 benepisyaryo ang nabigya ng P2,000 cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), na may kasamang limang kilo ng bigas mula sa Hoiuse Speaker.
“Umasa po kayong mga taga-Puerto Princesa na ang inyong lingkod ay kasama ninyo sa lahaat ng pagsubok na dadaanan. At gagawin natin ang lahat, ayon sa bata upang maiabot ang inyong mga pangangailangan tungo sa sabay-sabay nating pag-unlad,” pahayag ni Romualdez.
Noong Nobyembre 2023 nang italaga ng Kamara de Representantes si Romualdez bilang “caretaker” ng distrito matapos pumanaw ang kinatawan nito na si dating city mayor Edward Hagedorn.