Nagtamo ng minor injuries ang isang 30-anyos na babae sa Barangay Concepcion Pequeña, Naga City, Camarines Sur matapos iligtas ang kanyang alagang aso mula sa paparating na tren nitong Lunes, Pebrero 19.
Nakaya ng babae na hilahin ang aso mula sa riles sa tamang oras ngunit, subalit nahagip siya ng paparating na tren. Dahil sa lakas ng pagkakahagip ng tren, tumilapon siya patungo sa kanyang ina na nakatayo sa tabi ng riles, ayon sa ulat.
Gayunpaman, swerte pa rin siyang mayroon lamang siyang minor injuries na agad na nilapatan ng lunas sa isang ospital.
“Pigsi-save niya na magbalyo duman itong saiyang ido so nahagop siya, by the way sideswipe lang naman, si kusog kan dalagan kang train na ini kang nahagop siya. Nahagop siya, paglitong niya tuminama siya duman sa ina niya, (Pinipilit niyang iligtas ang aso niya kaya niyakap niya ito, nasa side lang sila ang lakas ng takbo ng tren kaya nahagip siya. Nahagip siya, umikot tumilapon siya doon sa nanay niya),” ayon kay Maj. Juvy Llunar, Station Commander of NCPO Station 2.
Nagpaabot ng tulong ang pamunuan ng Philippine National Railway (PNR) sa dalawang babae.
Pinaalalahanan ng pamunuan ng PNR ang mga residenteng nakatira malapit sa mga riles na obserbahan ang isang tiyak na distansya upang maiwasan ang mga posibleng aksidente.