Mas mainit na temperatura at unting pag ulan ang tatama sa Pilipinas sa mga susunod na buwan dahil sa matinding epekto ng El Niño, ayon sa PAGASA.
Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring ang 2024 ang isa sa mga pinaka mainit na taon na mararanasan ng publiko. Aabot sa 40° ang temperatura sa bansa.
Tutulungan naman ng government taskforce ang nasa 4,000 na magsasaka na lubos na maaapektuhan ng El Niño. “Around 41 provinces are under meteorological drought, but if we include dry spells and drought areas, still around 80 provinces are affected,” sabi ni CAD officer-in-charge Ana Liza Solis.
Susubukan naman ng Metropolitan Waterworks and Sewage System (MWSS) na mabawasan ang system loss galing sa Angat Dam.
Sa isang press briefing, sinabi ng Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) Field Operations chief engineer na si Christian Gonzales na handa ang bansa para maibsan ang epekto ng El Niño.
Ulat ni Erika May Lagat (Intern)