Gagamitin ang dalawang United States Marine Corps (USMC) KC-130J Hercules aircraft para maghatid ng mga supply sa mga biktima ng landslide sa Maco, Davao de Oro, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Lunes, Pebrero 12.
Sinabi ng AFP na ang dalawang USMC aircraft ay naka-posisyon ngayon sa Villamor Air Base sa Pasay City habang nagpapatuloy ang pagproses ng mga relief supplies bago lumipad patungong Davao de Oro ngayong Lunes.
“The U.S. Marines from the III Marine Expeditionary Force will assist with the ongoing disaster relief mission with troops from the Marine Air Group 12, 1st Marine Aircraft Wing delivering essential supplies for distribution,” ani ng AFP.
Ayon sa AFP, apat na delivery ang kanilang pinaplano araw-araw, dalawa kada eroplano upang mapanatili ang tuluy-tuloy na supply sa mga apektadong komunidad.