Habang karamihan ng mga Cebuano ay nasa simbahan upang dumalo ng Misa, apat na barangay sa Cebu City ang nataranta nang itinaas ang alarma sa sunog sa mga residential area sa mga barangay ng Punta Princesa, Bacayan, Inayawan, at Guadalupe nitong Linggo, Enero 28.
Ayon kay SFO2 Wendel Villanueva, information officer ng Cebu City Fire Office (CCFO), bukod sa apat na residential fire na ito, mayroon pang apat pang sunog na nangyari din noong Linggo, kabilang ang tatlong wildfire, at isang insidente ng sunog sa isang mercantile sa Barangay Adlaon.
Inilarawan ni Villanueva na sunud-sunod ang sunog na nangyari noong linggo ay challenging at “one of a kind,” ito raw ang unang pagkakataon na naka encounter sila ng napakaraming insidente ng sunog sa isang araw.
Base sa inisyal na ulat ng CCFO ng Bureau of Fire Protection, nasa P2.254 milyon ang idinulot na pinsala ng sunog kung saan 76 na indibidwal ang nawalan ng tirahan.
Ulat ni Henry Santos