Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na tiyakin na hindi na mauulit ang tatlong araw na kawalan ng supply ng kuryente sa Panay na nangyari sa unang bahagi ng Enero 2024.
“So, let’s move forward with the lessons we have gained from this blackout, ensure that this massive inconvenience and loss for our people should not occur again,” sabi ni Marcos.
“The power interruption caused P3.8 billion in economic losses in the Province of Iloilo alone, notwithstanding the inconvenience that it brought to the people of Western Visayas,” pahayag ni Marcos kasbay ng pagpapasinaya ng 450-megawatt Mindanao-Visayas Interconnection Project (MVIP) sa Malacañang nitong Biyernes, Enero 26.
We acknowledge the NGCP’s [National Grid Corporation of the Philippines] immense responsibility and role in maintaining the stability of our grid, including the need to ensure the completion of critical interconnection projects and to undertake other necessary activities to support a safe, reliable grid operation,” giit ng Pangulo.
Upang maiwasan ang malawakang power outage sa rehiyon, inatasan ni Marcos ang NGCP na kumpletuhin na ang 230 kV Cebu-Negros-Panay backbone project sa Marso ng kasalukuyang taon na dapat na masundan ng Hermosa-San Jose 500 kV transmission lines sa Abril.