Naging matagumpay ang operasyon sa isang Cocker Spaniel puppy na si “Ariel” noong Enero 18, sa Langford Vets Small Animal Referral Hospital na may dalawang paw sa dulo na nag-mukhang isang flipper.

Inabandona ang isang Cocker Spaniel puppy na si Ariel, noong Setyembre 27, 2023 sa isang parking lot ng supermarket sa United Kingdom matapos na ipinanganak na may anim na paa.

Pinangalanan ang aso na si Ariel para sa karakter na “The Little Mermaid” dahil ang karagdagang appendage na may dalawang paw sa dulo ay mukhang isang flipper.

“She is doing brilliantly,” sabi ni Vicki Black, director ng Langford Vets Small Animal Referral Hospital.

“Ariel was a complicated little dog,” ani pa ni Black. “We are a center committed to career-long learning and are proud to innovate and treat pets like Ariel.”