Sa bisa ng isang warrant of deportation, dinampot ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang Nigerian national na si Oladunjoye Oluwaseun Emmanuel Abioye sa isang condominium sa McKinley Hills, Taguig City.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, naglabas ang Kawanihan ng warrant of deportation laban kay Abioye bilang isang “overstaying foreigner” na nahaharap sa deportation proceedings, dahilan upang siya ay arestuhin ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD).
Natunton ang kinaroroonan ni Abioye matapos ang isang buwang surveillance operation na isinagawa ng mga BI agents.
“We will continue to prioritize the enforcement of our laws to ensure the safety and security of our borders against these illegal aliens,” sabi ni Tansingco.
Si Abioye ay ikinulong sa BI custodial facility sa Bicutan, Taguig.